At dahil nga incoming HS Senior na ko, andyan na yung pressure kung ano bang aabutin ko sa College. Kung saan bang school at course, kung ano bang mangyayari sakin? Haha. Ngayon palang pinoproblema ko na kung anong mangyayari sakin after ko mag-fourth year. Nape-pressure ako, kinakabahan agad. -______-
Saang university/college ko naman balak? UP sana o UST. Either (Please po, Lord). Pero as much as possible, sana UP. Pero gusto ko rin sa UST eh, haha. Di pala ko nag-review center, kasi naman walang time. Pumunta pa kami ng province, kaya ayun, self-review. At syempre, andyan ang internet. May mga free review naman eh, ayun, may mga mock tests and stuff. Keri naman, effort lang, tiwala syemrpre.
Nakapag-decide na nga pala ko ng course. :) Yey! Haha. Noon palang, nagkapag-decide na ko mag-pursue ako ng Law, kakabit din nun syempre yung pre-law na tinatawag. Nakapag-research na ko kung ano yung magandang kunin na pre-law, meron din dun nasabi na kahit naman anong course naman daw yung kunin mo then pursue law, parehas lang naman daw. Pero mas okay parin kung mag-stick sa mga nakasanayan ng mga pre-laws, diba? Kaya ayun, it’s either Accountancy or Journalism ang kukunin ko ng prelaw. At kung wala na talagang choice, I might consider Economics. What do you think? Haha.
Haaaaaaaay. Excited na ko mag-college.