Tumblr Mouse Cursors
Honor life by living.

Attached. 


4 days ago on 23 May, 12
tagged: #chat #srjd #Kwento.

Battleship [18/05/12] 

Yung dalawa ko kasing pinsan at yung tito ko pumunta dito sa Manila (galing silang Naga) para asikasuhin yung: (a) ipapa-red ribbon ng tito ko dahil pupunta na siya ng Dubai, dun siya magwo-work, so yea, at yung (b) medical nung dalawa kong pinsan kasi naka-petition (?) sila papunta ng Canada. Nuff. So kahapon, nakausap nila yung mama nila through skype tas nagyaya yung dalawa na magsi-sine raw sila. Tas ayun, nasama na kaming magkakapatid at yung tito ko.

Avengers yung totoong plano, ang problema lang eh uuwi na kasi ng Naga yung tito ko at si Kobe (si Ken, di muna kasi may problema pa ata yung medical niya), eh one-time viewing lang at 4pm pa. So, damn. Tas next option eh yung Dark Shadow, eh ganun din, one-time viewing at 4pm din. -___- Umeksena pa nga yung The Mommy Returns sa options pero HAHAHAHAHAHAHA. Tas ayun, Battleship yung kinabagsakan namin. Akal namin na di maganda yung movie..

Pero kinain lang namin yung sinabi namin. WTF. Ang ganda nung movie, sobra. Like shdkashdasdahsdjashdksadj, langya. Sulit na sulit lahat, nawala rin yung pagka-dismaya namin, haha.


1 week ago on 19 May, 12
tagged: #Kwento.

Finally! 

At dahil nga incoming HS Senior na ko, andyan na yung pressure kung ano bang aabutin ko sa College. Kung saan bang school at course, kung ano bang mangyayari sakin? Haha. Ngayon palang pinoproblema ko na kung anong mangyayari sakin after ko mag-fourth year. Nape-pressure ako, kinakabahan agad. -______-

Saang university/college ko naman balak? UP sana o UST. Either (Please po, Lord). Pero as much as possible, sana UP. Pero gusto ko rin sa UST eh, haha. Di pala ko nag-review center, kasi naman walang time. Pumunta pa kami ng province, kaya ayun, self-review. At syempre, andyan ang internet. May mga free review naman eh, ayun, may mga mock tests and stuff. Keri naman, effort lang, tiwala syemrpre.

Nakapag-decide na nga pala ko ng course. :) Yey! Haha. Noon palang, nagkapag-decide na ko mag-pursue ako ng Law, kakabit din nun syempre yung pre-law na tinatawag. Nakapag-research na ko kung ano yung magandang kunin na pre-law, meron din dun nasabi na kahit naman anong course naman daw yung kunin mo then pursue law, parehas lang naman daw. Pero mas okay parin kung mag-stick sa mga nakasanayan ng mga pre-laws, diba? Kaya ayun, it’s either Accountancy or Journalism ang kukunin ko ng prelaw. At kung wala na talagang choice, I might consider Economics. What do you think? Haha.

Haaaaaaaay. Excited na ko mag-college.


1 week ago on 18 May, 12 | 1 notes
tagged: #Kwento. #College #UP #UST

Newly modified blog. 

New theme, cleaner blog, less 1D posts. I’m planning to change the way I blog, I just don’t know when and how. Speaking of less 1D posts..

Te-ne-ne-nen-tenen! Welcome to http://inzaynfor—malik.tumblr.com/, it’s where I become a total fangirl and reblog whatever is related to 1D. Feel free to visit :)

So yeah. :)


1 week ago on 18 May, 12
tagged: #change #Kwento.

CamSur Getaway, Day 8

At dahil nga mga 3am na kami nakatulog kagabi, mga 10am na ko nagising, haha. Masakit pa yung katawan ko, sayawan kasi diba. Tas eto naman si Mommy, nag-aya agad, pa-Iriga raw kami.

Ako, si Nik, Kyla, Aira, Chloe, at yung parents ko, nagpa-centro muna kami sa Nabua. Tapos nagikot-ikot onti at tumigil sa kainan ng Halo-Halo. The best ang halo-halo dito sa Nabua kasi mixed fruits yung laman. Masiram! Hahahahaha. Pagkakain, dinala kami ni Dad sa foodcourt. Yep, Nabua Foodcourt. Oha.

After nun, nagpa-Iriga na kami. Nag-stop muna kami sa isang shop, namili at dumiretso muna sa Fire Station ng Iriga. Yep, bumbero ang Dad ko. :D Mga 30min ata kami nag-stop, tas after pumunta na kami sa grotto ng Iriga. Inakyat pa namin, pero worth it, ang ganda ng place. Pagkaalis, naghanap kami ng kainan ng Luglog, kaso wala naman, kaya dun narin kami nag-tanghalian sa bahay ng tita ko.

Pagkahapon, ayun, napag-centro uli kami ni Mama, kain, tas uwi. Nagpa-manicure pedicure din na worth Php 60 lang. Whoa there! HAHA. Baby pink nails. :D

Ayun, andito uli sa kubo, sinisipon na ko. Deym.


2 weeks ago on 10 May, 12
tagged: #Kwento. #CamSur12 #summer2k12

Diba andito kami sa probinsiya, yung pinsan ko na taga-rito nagkwento. Yung isa raw niyang kakilala, nagsabi sa kanya kung pwede raw ba hingin yung number ko. Tinandaan pa talaga nung guy yung suot ko nung araw na yun ah. Haha, superman shirt na naka-maong shorts. Sht. :)) Haha, tas kwinento ni Lala sa mommy ko, eto na si mama wag daw ibigay and stuff, wag daw ako ipakilala, chuchuchu. Hahahaha. Tas yung guy daw eh tambay lang at di rin nag-aaral. So, uggh, haha. Di ko pa nga nakikita yun, wala akong idea kung ano yung itsura niya. Pero sabi nung pinsan ko, gwapo raw. Hmm. =))

Not interested. Haha.


2 weeks ago on 10 May, 12
tagged: #Kwento. #summer2k12 #CamSur12

CamSur Getaway, Day 5

HAPPY FIESTA! VIVA SAN MIGUEL!

Sa kubo kami natulog, at dafuq, nanigas na ko sa sobrang lamig. Ni wala man lang akong kumot, di ko naman kasi inaakala na ganun kalamig dun sa kubo pag gabi. At maaga na naman ako nila ginising kasi nga magni-ninang ako sa pamangkin ko diba, at may seminar pa ng 9am.

Habang naghahanda ang lahat dahil nga fiesta, papunta naman na kami ng simbahan para sa seminar at sa binyag narin. May 10am na kami nakarating, ang akala namin late na kami, yun pala eh wala pang tao dun sa pagdadausan nung seminar. Naghintay kami hanggang ayun na nga, natapos ang seminar, dumating na si baby Xian. Mga 11am, nag-start na ang binyagan. Welcome to the Christian World, baby Xian Gabriel!

Pagkarating sa bahay ng tita ko, ayun na, fiesta kung fiesta! Hahaha. Banatan na ng videoke, hirit ng hirit tong mga nagi-inuman, lahat masaya.

Pinapasama ako ng isa kong pinsan dun sa bahay nung pinag-ninangan niya. Eh nahiya naman ako tumanggi. Tas nung malapit na kami, bumalik ako ng bahay kasi nahihiya nga ako, hahahahaha. Eh ayun.

Ansasarap ng mga pagkain, the best thing pag fiesta. PAGKAIN. :)) Haha.

Hephep, mawawala ba naman ang SAYAWAN? Kami-kaming magpipinsan, mga 9pm nung umalis kami ng bahay at pumunta ng quadrangle para sa sayawan. Ayun, ang haba-haba nung program na prinepare. Mga 11pm na ata nakapag-simula ang sayawan. Mga tinamad na tuloy ang mga kabataan at nung mga unang kanta walang nasayaw. Kami tong mga dancefloor pioneer. NUKS. Hahaha. Nakakatawa lang. Saya. The best!


2 weeks ago on 10 May, 12
tagged: #Kwento. #CamSur12 #summer2k12

CamSur Getaway, Day 4

Bisperas ng fiesta dito sa San Miguel, naghahanda na lahat para bukas. Kanya-kanyang katay ng baboy ang bawat bahay dito. Kawawa naman. Ang disturbing lang nung sigaw ng baboy eh, uggh. Hahaha.

Dumating na rin yung nirentahang videoke, so ayun, kawawa naman yung videoke, sagaran ang gamit. Kanya-kanyang pili ng mga kanta, umaga na napatay yung videoke eh, haha. Nagsimula na rin yun mga manginginom, di pa man din fiesta, may mga nag-drinking session na.

Sinabi rin sakin na magni-ninang daw ako sa isa kong pamangkin. Edi, oo syempre, siya ata yung una kong inaanak. Hahaha. Sinamahan ko rin yung pinsan ko na ipa-register si Xian Gabriel sa simbahan para sa binyagan bukas.

:)


2 weeks ago on 10 May, 12
tagged: #Kwento. #summer2k12 #CamSur12

CamSur Getaway, Day 3

Maaga na naman kami ginising. Dafuuuuq. Haha, before 6am gising na kami lahat dahil bibiyahe na kami papuntang Nabua, fiesta rin kasi sa may Antipolo. So pag-fiesta, kainan ibig sabihin >:) Loljk. Mga isang oras lang yung biyahe, pagkarating namin, nagsipaghanap agad ng mga agahan kaming magpipinsan. Eh kagigising lang rin ng mga tao dun sa bahay ng tita ko, at dahil fiesta nga dito sa Antipolo napag-isipan nina Dad na pumunta muna kami dun at kumain. Nyahahaha.

Dun kami dumiretso sa may tilapiahan. Tilapiahan ang tawag ko sa lugar kasi may fishpond na puro tilapia yung bahay ng lolo’t lola namin dun. Haha. Pagkarating namin dun, pansit palang yung luto, edi gora na. Kainan na! :D Tas nag-stay onti, tas bumalik kami dun sa San Miguel para maligo muna.

Lahat kami naligo muna at naghanda na rin muna, tas sakto naman na tanghalian na, kaya pagbalik namin dun sa tilapiahan, kainan uli. :D Igado, Caldereta, Liempo, Binagoongan, Salad, Gulaman, at mawawala ba naman ang Leche Flan. MASIRAAAAM! Haha. Pagka-dalawang oras, umalis na rin kami kasi marami ng bisita at hapon na rin eh. So ayun.

Pagkabalik sa San Miguel, gora na rin. Pahinga, laro kasama ang mga pinsan at mga pamangkin. :D


2 weeks ago on 8 May, 12
tagged: #Kwento. #summer2k12 #CamSur12 #late post

Oh, hello! Pangalawang araw na namin dito sa Bicol tas kanina pumunta kaming Tamban. Punta sa port, tas tambay din, at kain syempre. Parang buong lugar dun kilala namin, haha. Dun kasi lumaki sila Dad, yep, dun talaga sila nakatira, so kahit wala na yung bahay nila dati dun, may mga lugar dun kung san kami nag-stay dahil sa mga barkada nila, kaklase, kamag-anak na rin. Mga 6am kami umalis ng Naga, tas mga 5pm na kami nakabalik.

Ang init dun, sobra, haha. At dahil nag-iinuman session sila Dad, andun kaming magpipinsan sa taas, naglalaro sila at natulog lang ako. Oh well. :)) Antagal din namin dun ah, naghihintay kumain, tas pagkakain akyat uli, sabay hintay para umuwi. Hanggang ayun, nag-usap na aalis na, edi gora na, then napag-usapan na daanan daw muna si ate Shirley, yung dati naming kasambahay, siya yung nag-alaga sakin. Hehez. So ayun, dalawa na yung anak niya, at grabe, ang ganda parin niya, ang kinis padin! Haha. :D

Diretso sa biyahe, sabay eto namang tito ko nag-suggest na mag-swimming muna. The fact na wala kaming ligo lahat dahil akala namin na pagkabili ng isda eh uuwi na tas di naman pala. Fail. =)) Eh may alam yung Dad ko na liguan, ang problema naman eh lahat kami walang pamalit. Isa pang fail. Pero yung tito ko naman, pursigidong-pursigido, at gorabels naman tong mga pinsan ko, edi gora na rin kami. Patawa. :)) Buti nalang may dala si Mama na mga sando, yun lang pamalit ko. Haha. Kanya-kanyang paraan para maka-swimming. Php20 each dapat, eh dahil kakilala ng tito ko yung mga tao dun, ayun, nakamura. Eleven kasi kami, edi dapat Php220 db? Ang nangyari eh Php100 lang ang bayad, sabay pinadagdagan nalang ng Php50 kasi nakakahiya rin. Edi yun, nakamura diba. Haha.

Pagkauwi dun na kami nagbanlaw lahat. Biglaan eh, haha. Damay-damay lang. Masaya parin. Bukas pupunta naman kami sa Nabua kasi magpi-piyesta na dun. So, foooooooooood! Nyahaha. Bukas sa Antipolo muna, tas sa May 8, sa may San Miguel naman.


3 weeks ago on 6 May, 12 | 1 notes
tagged: #Kwento. #summer2k12 #CamSur12